Pinagtibay ng Korte Suprema ang desisyong nagdedeklarang unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos magpasya ang Kataas-taasang Hukuman with finality na ibasura ang mosyon ng House of Representatives kaugnay ng ruling nito sa impeachment noong July 2025.
Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, nilabag ng naging proseso ang one-year bar rule nang ihain ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Batay sa motion for reconsideration na inihain ng Kamara, iginiit nitong hindi nilabag ng ikaapat na impeachment complaint ang one-year bar rule, at naging epektibo lamang umano ito matapos ma-archive ang unang tatlong reklamo.
Gayunman, ayon sa Korte Suprema, labag sa Saligang Batas ang hindi agarang pag-aksyon sa unang tatlong impeachment complaint at ang pagpasa ng ikaapat na reklamo.










