Korte Suprema, pinawalang bisa ang nominasyon ni dating Comelec Commissioner Rowena Guanzon bilang nominee ng isang partylist

Tuluyan nang pinawalang bisa ng Korte Suprema ang resolusyon ng Commission on Elections (COMELEC) na pumapayag sa pagpapalit ng mga nominee ng Komunidad ng P3PWD o Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities Party-list.

Batay sa desisyon, sinabi ng Supreme Court en banc na nagkaroon ng grave abuse of discretion ang Comelec.

Hindi rin pinahintulutan ang paghalili bilang nominee ng kareretiro lamang noon na si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon.


Sa naging petisyon sa SC ng Duterte Youth Party-list, hiniling nila na ipawalang bisa ang resolusyon dahil ginawa ang substitution kahit tapos na ang prescribed period.

Nakasaad pa sa desisyon na inatasan ng SC ang P3PWD na magsumite ng dagdag na nominees pero hindi na kasama ang mga nasa listahan sa ilalim ng 19th concress na pinawalang bisa ang substitution.

Ngayong May 2024 naman nang maglabas ng kautusan ang poll body na hindi na pinapayagan ang substitution ng candidates kapag tapos na ang filing ng certificates of candidacy.

Pwede lamang daw ito kapag pumanaw o na-disqualify ang isang kandidato.

Layon ng kautusan na maiwasan na ang mga pag-abuso sa subsitution na naging taktika ng ilang mga politiko sa mga nakalipas na halalan.

Samantala, ibinasura naman ng Korte Suprema ang reklamong indirect contempt laban kay Guanzon at ang ganitong ring kasong isinampa niya laban sa Duterte Youth dahil sa kawalan ng merito.

Facebook Comments