Korte Suprema, sinimulan na ang implementasyon ng eFiling Guidelines sa mga civil case

Sinimulan na ng Korte Suprema ang pagpapatupad ng electronic filing o eFiling Guidelines para sa mga civil case sa lahat ng mga trial court.

Ayon sa Supreme Court, ito ay para mas mabilis ang proseso at mapadadali ang komunikasyon sa magkakabilang partido.

Sa ilalim ng Guidelines at Rule 13-A ng Rules of Civil Procedure, ang filing at service of non-initiatory pleadings ay gagawin lamang sa pagpapadala o pagsusumite ng digital file format sa pamamagitan ng e-mail.


Ang mga reklamo at initiatory pleadings ay isasampa ng personal sa mga korte habang ang pagpapadala ng kopya ng reklamo ay ipapasa pa rin sa mga registered mail o sa mga accredited courier.

Hindi rin ito maaaring dinggin ng korte hangga’t hindi naipadadala ng complainant ang digital copy sa pamamagitan ng e-mail sa loob ng 24 hours matapos magsampa ng reklamo.

Facebook Comments