Sinimulan na ng Korte Suprema ang taunang paggunita nito sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women (VAW).
Kasabay nito, inanunsyo ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang buong commitment at suporta ng Korte Suprema sa mga programa at hakbangin para mawakasan ang karahasan at lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan.
Tiniyak din ni Gesmundo na palalawigin at palalakasin ng SC ang Clinical Legal Education Program ng law schools sa iba’t ibang rehiyon at pagrevitalize sa Legal Aid Program ng Integrated Bar of the Philippines.
Sa pamamagitan aniya ng ganitong programa ay mas magiging efficient ang legal aid service upang matulungan ang vulnerable at disadvantaged communities sa bansa gaya ng mga kababaihan.
Bukod dito, inaasikaso na rin ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary (CGRJ) ng Korte Suprema ang mga kinakailangang reporma sa ilalim ng mga batas na nakakaapekto sa mga kababaihan at bata.