Korte Suprema, suportado ang 18-day campaign ng pamahalaan laban sa karahasan sa mga kababaihan

Pinangunahan ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang paglulunsad ng 2025 18-Day Campaign to End Violence Against Women sa Supreme Court Courtyard sa Maynila.

Ang tema ng kampanya ay “United for a VAW-free Philippines: Advancing Equality, Empowering Women” na layong palakasin ang mga hakbang laban sa karahasan sa mga kababaihan.

Binibigyang-diin ng Korte Suprema ang whole-of-nation approach upang matigil ang karahasan laban sa kababaihan, kabilang ang mas mabilis at patas na pagpapatupad ng batas.

Isa rin sa mga hakbang ay ang pagsasagawa ng regular na gender-sensitivity training para sa mga court personnel, pagpapalakas ng etikal na pamantayan sa legal profession, at pakikipagtulungan sa iba’t ibang institusyon para sa mas malawak na edukasyon at mga preventive measures.

Tampok din sa programa ang mga pahayag nina Associate Justices Henri Jean Paul Inting at Jhosep Lopez, na kapwa Co-Chairperson ng Committee on Gender Responsiveness in the Judiciary.

Binigyang-diin ni Justice Inting na patuloy ang pagtaas ng mga kaso ng gender-based violence sa mga paaralan, opisina, pampublikong lugar, tahanan, at maging online.

Dahil dito, inuuna agad ng mga korte ang mga kasong may kinalaman sa kababaihan at kabataan.

Facebook Comments