Korte Suprema, tanging makakapigil sa paghahanda ng Comelec at MIRU Systems Inc., para sa 2025 midterm elections

Tuluyan nang hindi makakalahok sa 2025 midterm elections ang Smartmatic.

Sa kabila ito ng pending na kaso sa Korte Suprema kaugnay sa paggawad ng Comelec ng kontrata sa Korean firm na MIRU Systems Inc., para maging election provider sa halalan sa susunod na taon.

Sa ambush interview kay Comelec Chairman George Garcia, sinabi niyang tapos na ang procurement at nagsisimula na ang paghahanda para sa halalan gaya ng paglikha ng mga makinang gagamitin.


Nakapagbigay na rin aniya ng initial payment ang Comelec sa MIRU Systems sa ilalim ng kanilang kontrata.

Sa ngayon, tuloy-tuloy lamang daw ang paghahanda ng poll body hangga’t walang ilalabas na restraining order ang Supreme Court.

Facebook Comments