Korte Suprema, tikom ang bibig sa nakatakdang pagtestigo ng dalawang mahistrado sa impeachment case ni CJ Sereno

Manila, Philippines – Tikom ang bibig ng Korte Suprema sa nakatakdang pagtestigo ng dalawang mahistrado laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

May kaugnayan ito sa impeachment case na isinampa laban kay Sereno ng grupo ni dating Senatoriable Atty. Larry Gadon

Sa text message na pinadala ni Supreme Court spokesman Atty. Theodore Te, mag-aabiso lamang sila sa media kapag mayroon silang ilalabas na statement.


Sinasabing may hawak na mabibigat na ebidensya ang dalawang hindi pinangalanang mahistrado na magtetestigo laban kay Sereno.

Magugunitang sa talumpati ni Sereno sa Baguio City noong nakaraang linggo, sinabi ng Punong Mahistrado na hindi siya natitinag sa impeachment case laban sa kanya lalo na’t abala siya ngayon sa pagpapatupad ng mga reporma sa Hudikatura.

Facebook Comments