
Binanatan ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang Korte Suprema kasunod ng desisyon nito na ideklarang unconstitutional ang articles of impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Gadon, halatang pumapanig ang Supreme Court kay Vice President Sara na nagpapakitang tuta sila ng mga Duterte.
Giit pa nito na maliwanag ang mga ebidensya sa mga kaso ni VP Sara gaya ng pagwaldas ng pondo ng bayan.
Binanggit din ni Gadon ang mga bantang pagpatay ni VP Sara kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez na umano’y napakalaking pagkakasala.
Ngunit sa desisyon ng Korte Suprema ay mistulang pinawalang-sala ng mga mahistrado ang bise presidente.
Facebook Comments









