Korte Suprema, tinawag ni Gadon na tuta ng mga Duterte

Binanatan ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Larry Gadon ang Supreme Court kasunod ng desisyon nito na ideklarang unconstitutional ang Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Gadon, halatang pumapanig ang Supreme Court kay VP Sara na nagpapakitang tuta sila ng mga Duterte.

Giit ni Gadon, maliwanag ang mga ebidensiya sa mga kaso ni VP Sara gaya ng pagwaldas ng pondo ng bayan.

Binanggit din ni Gadon ang mga bantang pagpatay ni VP Sara kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez na umano’y napakalaking pagkakasala.

Ngunit sa naging desisyon aniya ng Korte Suprema ay mistulang pinawalang-sala ng mga mahistrado ang bise presidente.

Facebook Comments