Korte Suprema, tumatanggap na ng aplikante para sa pagka-punong mahistrado

Binuksan na ng Judicial and Bar Council o JBC ang aplikasyon at rekomendasyon para sa babakantehing posisyon ni Chief Justice Lucas Bersamin.

 

Kasunod ito ng nakatakdang pagreretiro ni Chief Justice Lucas Bersamin sa October 18, 2019  o ang mandatory retirement age para sa isang mahistrado.

 

Ayon kay Supreme Court Clerk of Court at JBC ex-Officio Secretary Edgar Aricheta, ang deadline  ng pagsusumite ng aplikasyon at requirements ay sa August 20, 2019 dakong 4:30 ng hapon.


 

Ang mga interesadong aplikante ay maaring magsumite ng dalawang set ng application o rekomendasyon na may conforme at iba pang documentary requirements, sa JBC office sa SC Centennial Building sa Padre Faura, Maynila.

 

Kailangan din ng acceptance ng aplikanteng ineendorso sa Chief Justice position.

Facebook Comments