Koryanong wanted sa pagpatay kay Jee Ick Joo, naaresto ng Bureau of Immigration

Manila, Philippines – Nadakip ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) ang Koryanong kasama sa “person of interest” dahil sa pagkamatay ng Koreyanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Partikular na naaresto ang dayuhang suspek sa Forest St., Carmenville Subdivision, Angeles City, Pampanga.

Kinilana ang naarestong Koryano na si Hoon Yoo alyas Edward Yoo Hoon na wanted dahil sa pagiging undocumented at overstaying alien.


Si Hoon ay kasama sa mga iniimbestigahan ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group at National Bureau of Investigation dahil sa pagkakasangkot sa pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo.

Si Hoon ay nasa ilalim din ng Immigration Lookout Bulletin Order na inilabas ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong January 28, 2017.

Facebook Comments