Koryanong wanted sa telco fraud sa South Korea, arestado ng BI

Dinakip ng Bureau of Immigration (BI) ang South Korean national na wanted sa mga otoridad sa Seoul, South Korea dahil sa telecom fraud.

Kinilala ang Koryano na si Kim Tae Ho, 47 taong gulang at sinasabing miyembro ng sindikato sa SoKor na nambibiktima sa pamamagitan ng voice phishing.

Itinuturing na rin si Kim na undesirable alien matapos na kanselahin ng South Korean government ang passport nito.


Otomatiko rin siyang ilalagay sa blacklist ng BI at hindi na muli siya makakapasok ng Pilipinas.

Nabatid na ang sindikatong kinaaaniban ni Kim ay nakatangay na ng 3.8 billion won o US $3.2 million sa kanilang mga biktima.

Ang nasabing Koryano ay nakakulong na ngayon sa BI detention center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inaayos ang deportation sa kaniya.

Facebook Comments