Kostudiya Ng Sumukong Si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino – Kukunin Ng Armed Forces Of The Philippines

5

MANILA – Pansamantalang mananatili sa kostudiya ng Armed Forces of the Philippines si Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino.Kasunod ito ng boluntaryong pagsuko kahapon ni Marcelino sa opisina ng provost marshal general ng Armed Forces of the Philippines matapos ipag-utos ng korte ang pagpapaaresto laban sa kanya kaugnay sa drug case.Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, maghahain sila ng petition for custody sa korte upang sa AFP muna ang dating opisyal.Noong isang linggo ay ipinag-utos ng korte ng pag-aresto kay Marcelino at sa Chinese na si Yan Yi Shuo makaraang makitaan ng probable cause ang reklamo kaugnay sa pagkaka-aresto sa kanila noong isang taon sa ni-raid na bodega ng droga sa Maynila.

Facebook Comments