Kostudiya ni dating Customs fixer Mark Taguba, hihilingin ng House Quad Committee na ilipat sa Kamara

Screenshot from House of Representatives of the Philippines

Hihilingin ng House Quad Committee sa Bureau of Corrections (BuCor) na mailipat sa House Sergeant-at-Arms ang kostudiya ni dating Customs fixer Mark Taguba mula sa bilangguan.

Isinulong ito ni Representative Joseph Paduano, makaraang lumabas sa quad comm hearing na may mga banta sa buhay si Taguba.

Si Taguba ay hinatulan ng Korte kamakailan na guilty sa kasong may kaugnayan sa ₱6.4 billion shabu shipment mula sa China noong 2017.


Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng quad comm ay hindi napigilan ni Taguba ang mapaiyak sa pagsasabing hindi siya drug lord, walang siyang kinalaman sa droga at ang tangi lang niyang kasalanan ay masangkot sa “tara system” sa Bureau of Customs.

Facebook Comments