KOTONG COP | Pulis, arestado sa pangongotong

Cebu City – Arestado ang isang pulis matapos ireklamo ng pangingikil sa
Junquera Street, Cebu City.

Kinilala ang pulis na si PO3 Ritchie Camporedondo Saquilabon, nakatalaga sa
station 1 ng Cebu City Police Office.

Ayon kay C/ Insp. Jewel Nicanor – kahapon nang maaresto sa entrapment
operation ang pulis kung saan huli siya sa aktong panghihingi ng pera
kapalit ang pagpapalaya sa isang naaresto na may kasong kinalaman umano sa
iligal na droga.


Nabawi naman sa suspek ang P20,000 marked money na iniabot sa kanya ng
complainant na si Richie Labus.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments