Kotong cops, maglalaho kapag si Lacson ang naging pangulo ng bansa

224

Ang pagtatanggal sa kultura ng kotong ang isa sa mga magiging prayoridad ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa kaniyang administrasyon sakaling palarin na manalo sa pagka-pangulo sa halalan sa Mayo 2022.

Ito ang isa sa mga nagawa na ni Lacson nang kaniyang pinamunuan ang Philippine National Police (PNP) mula 1999 hanggang 2001.

Sa pagiging PNP chief ay nilinis ni Lacson ang kapulisan at binuwag ang kotong culture.


Hindi pinalampas ni Lacson ang korapsyon at pangingikil ng mga abusadong pulis.

Bago pamunuan ni Lacson ang PNP, talamak na ang kotong sa kalsada kung saan nakasanayan na ng mga drayber at manininda na magtabi ng P1,000 bilang lagay sa kotong cops.

Kwento ni Lacson, nang ipinatupad niya ang “no-take policy,” umabot ito sa punto na hindi na tumatanggap ang mga pulis ng suhol mula sa mga nahuhuli nilang lumalabag ng batas trapiko.



Para kay Lacson, na tumatayong presidential standard-bearer ng Partido Reporma, ang pagbuwag sa kotong ay kaniyang naging misyon bilang pag-alala sa kaniyang amang jeepney driver na madalas noon na nabibiktima ng kotong cops.

Ito ang nag-impluwensya sa kaniya na alisin ang kultura ng kotong sa hanay ng kapulisan.


Facebook Comments