KOTONG COPS | Tinaguriang Valenzuela City junk shop ‘kotong cops’, kinasuhan ng DOJ

Valenzuela City – Tuluyan ng sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong robbery sa Valenzuela City Court ang tatlong pulis ng Valenzuela City na nadakip sa entrapment operation dahil sa pangongotong sa junk shop.

Sa imbestigasyon ng DOJ panel of prosecutors, lumalabas na may probable cause sa reklamong isinampa ng PNP Counter Intelligence Task Force laban kina SPO4 Serafin Adante , PO1 Ryand Paul Antimaro, PO1 Rey Harvey Florano at sibilyang si Amado Baldong Jr.

Base sa reklamo ng may ari ng junk shop sa Valenzuela na si Danilo Balar, gabi-gabi silang iniikutan ng mga pulis para kolektahan ng 200 hanggang 500 piso.


Nagsagawa ng entrapment operation ang CITF kung saan nadakip ang tatlong pulis at isang sibilyan.

Ipinag-utos din ng DOJ prosecutor ang pagpapatuloy ng imbestigasyon kay Police Inspector Adonis Paul Escamillan na hindi kasama sa mga nahuli at nadawit sa kaso dahil sa command responsibility.

Facebook Comments