Kotongero at tumatanggap ng lagay na taga-Gobyerno, yari kapag si Senator Ping ang naging pangulo

Bukod sa mga literal na magnanakaw, target din ni Partido Reporma standard-bearer Sen. Panfilo “Ping” Lacson na linisin ang gobyerno mula sa mga opisyal at kawani na nagsinungaling sa kanilang sinumpaang tungkulin sa matapat at maayos na serbisyo kapag siya ang maging presidente ng bansa.

Obserbasyon ni Lacson, imbes na tumupad sa mga sinumpaang tungkulin ang mga kawani at opisyal ng pamahalaan ay marami sa mga ito ang nangongotong o kaya naman ay tumatanggap ng suhol na kabilang sa mga uri ng pagnanakaw.

Giit ni Lacson, dapat ng kalusin ang mga ito dahil isang matinding internal cleansing ang dapat gawin para malinis natin ang gobyerno.


Ipinunto ni Lacson, na hanggang hindi natin malinis ang gobyerno ay paano natin tutugunan ang pangangailangan ng ating kababayan.

Magugunitang sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP) ay napatino ni Lacson ang kapulisan dahil tinanggal niya ang kultura ng pangongotong sa pamamagitan ng pagpapakita ng sarili niyang disiplina bilang halimbawa ng isang matinong lider.

Diin ni Lacson, walang ibang paraan ng paglilinis ng pamahalaan kundi ang maayos na disiplina na magiging daan din upang bumalik ang tiwala at kumpiyansa ng mamamayan.

Facebook Comments