Nasagi ng isang pickup truck ang isang kotse sa Airport Road sa Barangay 51-B Nangalisan, Laoag City bandang alas nuebe kagabi, Nobyembre 19.
Ayon sa pulisya, papunta sa iisang direksiyon ang dalawang sasakyan nang magtangkang mag-overtake ang pickup sa kanang bahagi ng kalsada, dahilan upang tamaan nito ang sedan na nasa unahan.
Ang pickup ay minamaneho ng isang 67-anyos na lalaki mula sa San Nicolas, Ilocos Norte, at ang sedan naman ay minamaneho ng isang 23-anyos na babae mula sa Laoag City.
Nagresulta ang insidente sa hindi pa natutukoy na halaga ng pinsala sa parehong sasakyan, ngunit walang naiulat na nasugatan.
Facebook Comments









