Ang forum pagtalakay hinggil sa kapayapaan, pagkakaunawaan at pag-asam sa panukalang bagong Bangsamoro Political Entity na pinangasiwaan ng Kalilintad Peacebuilding Institute (KPI).
Ayon kay Khairudin Anwar, isa sa mga nag-organisang pagtitipon, ang partisipasyopn ng publiko sa peace process ay susi upang mapagtagumpayan ang political solution sa Mindanao armed conflict.
Mahalaga na tanggapin ang imbitasyon ng ibang partido para lumahok sa peace negotiation upang maresolba ang kaguluhan, ang negosasyon ay demokratikong paraan sa pagresolba ng hindi pagkakasundo.
Binigyang diin naman ni KPI President/BLMI Training Officer Prof. Esmael A. Abdula na ang “Comprehensive Agreement on Bangsamoro (CAB) ay political document na nilagdaan ng GPH at MILF Peace Panels na ang pakay ay tuldukan ang ilang dekada nang armed conflict sa Mindanao.
Ang Bangsamoro people ay naghahangad na mapamahalaan ang kanilang sarili na sasalamin sa kanilang kultura, paniniwala, kaugalian at tradisyon.(photo credit:milfofficialwebsite)
KPI, nagsagawa ng Peace Forum sa Mamasapano!
Facebook Comments