Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na dapat munang alaming mabuti ang background ng customs fixer na si Mark Taguba na nagdadawit kay Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa katiwalian sa Bureau of Customs.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangang malaman o kailangang maging credible ang witness na si Taguba na siyang nagdawit sa pangalan ng Presidential Son na sinasabi nitong facilitator para mapabilis ang paglalabas ng mga kargamento sa BOC.
Kailangan aniyang maberipika ang akusasyon ni Taguba at dapat suportahan ang mga pahayag nito ng mga matitibay na ebidensiya at hindi batay sa sabi-sabi lamang.
Inihayag din ni Abella na hindi na makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa nasabing usapin.
Facebook Comments