Kredibilidad ng mga pulis, bumaba – kongresista

Manila, Philippines – Bumaba ang kredibilidad ng Philippine National Police (PNP) matapos ang latest SWS survey na inilabas.

Ito ang tingin ng isang kongresista matapos ang lumabas na SWS survey mula Setyembre 23 hanggang 27, na kung saan mataas ang porsyento ng mga naniniwala na hindi totoo na nanlalaban sa mga pulis ang mga napapatay sa war on drugs na nasa 37%, nas 45% naman ang undecided at 17% naman ang mga naniniwalang nagsasabi ng totoo ang mga pulis.

Ayon kay Public Order and Safety Chairman Romeo Acop, ipinapakita ng survey na malaki ang problema ng PNP pagdating sa kredibilidad.


Dahil sa mababa ang porsyento ng mga naniniwala sa mga pulis, kailangan itong magawan ng paraan agad ng PNP.

Ipinauubaya ni Acop sa PNP ang gagawin para makabawi sa survey at maitaas ang kredibilidad lalo na sa pagsugpo ng krimen sa bansa.

Pero, kumambyo naman si Acop na ang survey ay pinagbasehan lamang ng opinyon at perception ng iilan at hindi naman ng nakakaraming mga Pilipino.

Facebook Comments