KRIMEN BUMABA │ MPD, pumalag sa ulat na hindi ligtas ang Maynila

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng pamunuan ng Manila Police District na bumaba ng mahigit na 38 porsiyento ang street crimes sa Lungsod ng Maynila ngayong taon.

Ayon kay MPD Dist. Director Chief Supt. Joel Coronel, bumaba ng 38.7 percent ang crime index sa Lungsod sa nakaraang 12 buwan, o mula 5,474 kaso noong 2016 sa 3,393 na insidente na lamang ngayong 2017. Kabilang sa mga krimeng ito ay street crimes tulad ng armed robbery, holdap, at snatching.

Paliwanag ni Coronel na tumaas ang crime solution efficiency ng MPD o pagresolba ng pulisya sa mga krimen na mula 58.8 percent noong 2016 sa 67.5 percent ngayong taon.


Ibig sabihin aniya, anim hanggang pito sa bawat 10 kaso ng krimen ang matagumpay na nareresolba ng MPD.

Sa record, mula 2014 hanggang 2015 ay 38.05 percent ang crime solution efficiency ng MPD at 24.55 percent lang mula 2013 hanggang 2014.

Una nang inilabas ng Safest Cities Index 2017 ng Economist Intelligence Unit, ang Research Arm ng London-Based Multimedia Company na The Economist Group, na pang-55 ang Maynila sa 60 lungsod na pinag-aralan sa naturang report.

Ngunit pinalagan ito ng MPD dahil sa hindi umano tumpak o accurate ang data ng nasabing Foreign Research group.

Facebook Comments