Krimen na gawa ng mga naka-motorsiklo, bumaba ngayong may quarantine!

Bumaba ng 57% ang naitatalang motorcycle-riding suspects criminal activities sa bansa ng Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Joint Task Force COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar, kung ikukumpara, nang nakalipas na taon at kaparehong buwan kung saan wala pang community quarantine ay may 1,864 criminal cases na kinasasangkutan ng mga motorcycle-riding suspects ang naitala ng PNP.

Pero ngayong taon kung saan mayroong community quarantine na nagtagal na ng 221 na araw, bumaba ito ng 784 cases.


Sinabi ni Eleazar na malaki ang naiambag nito sa peace and order situation ng bansa.

Magkagayunman, hindi titigil ang PNP sa pagpapatupad ng mga stratehiya para hindi na muli pang mamayagpag ang mga motorcycle-riding suspects.

Sinabi ni Eleazar na iniutos ni PNP Chief General Camilo Cascolan ang pagpapaigting ng police visibility sa mga komunidad para patuloy na bumaba ang krimen.

Facebook Comments