Manila, Philippines – Nangangamba si Brgy. Chairman Edmund Gumogda na posibleng bumalik ang mga nangyayaring krimen sa kanyang nasasakupan matapos na tanggalin ang CCTV cameras sa kanyang Barangay.
Ang pahayag ay ginawa ni Gumogda matapos na gibain ng MMDA ang Brgy. Hall ng Brgy. 641 Zone 66 na sakop ng District 6 ng lungsod.
Ayon sa opisyal ng Brgy. malaking tulong ang mga CCTV cameras upang mabawasan ang mga nangyayaring krimen at magamit din ang CCTV sa pag protekta sa mga estudyante ng University Belt na dumaraan sa kanilang Brgy. Kung saan karamihan sa mga ito ay pawang mga estudyante ng Central Escolar University.
Giit ni Gumogda simula noong nilagyan niya ang kanyang Brgy. ng CCTV ay nababawasan na ang mga street crimes dahil natatakot ang mga nagbabalak na gumawa ng krimen dahil mahahagip sila sa mga CCTV camera sa kanilang Barangay.