
Sa ulat ng Philippine National Police (PNP), bumaba ng 12.4 % ang krimen sa bansa noong 2025 kumpara noong 2024.
Mula sa 40,771 kaso noong 2024 naging 35,717 na lamang ang naitalang kaso ng focus crimes ng ahensya nitong 2025.
Kaugnay nito, malaki rin ang pagbaba sa mga sumusunod na krimen kagaya ng rape, carnapping, homicide, physical injury, robbery, at theft.
Samantala,kumpiyansa naman si Acting PNP Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., na patuloy ang pagbaba ng mga krimen hanggang 2026.
Ayon kay Nartatez, lalo pa nilang palalakasin ang data-driven policing, preventive patrols, at mas mabilis na response time ng PNP.
Binigyang-diin din niya na mananatiling nakatuon ang PNP sa pagpapanatili ng tiwala ng publiko, mahigpit na internal cleansing at pagpapatupad ng disiplina sa bansa.










