Krimen sa bansa, bumaba sa nakalipas na sampung buwan

Manila, Philippines – Bumaba ng walong porsyento ang bilang ng krimen sa bansa ito ay batay sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police.

Sa ulat ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management o DIDM mula enero hanggang nitong buwan ng Oktubre nakapagtala ang PNP ng 452,204 total crime volume.

Bumaba ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon at mga parehong buwan na umabot sa 493,912 total crime volume.


Sa total crime volume na 452,204 na naitala ngayon 94,565 dito ay Index Crime cases ito ay ang murder, physical injury, robbery, theft, rape, carnapping and cattle-rustling habang 357,639 ay Non-Index Crime cases ito ay ang mga tinatawag na petty crimes

Naitala ang bumabang bilang ng krimen sa lahat ng rehiyon maliban sa Souther Luzon o CALABARZON at Northern Mindanao kung saan tumaas ang non-index crime o mga petty crimes.

Ang pagbaba ng 8 porsyento ng krimen ay dahil sa focused police operations ng PNP laban sa mga organized crime groups at street crime gangs.

Facebook Comments