Krimen sa bansa, nananatiling mababa – PNP

Patuloy sa pagbaba ang index crime volume sa bansa.

Base ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) Directorate for Investigation and Detective Management Crime Research Analysis Center mula January 1 – September 5, 2023.

Alinsunod sa report, ang Index Crime Volume ay bumaba sa 2,514 cases o pagbaba na 8.80%


Katumbas ito ng kabuuang 26,044 cases ngayong taon kumpara sa 28,558 cases nuong 2022 kung saan nangunguna sa mga kasong ito ang rape, theft at physical injury.

Ang Homicide cases ay nakapagtala ng 0.42% ngayong taon habang ang Murder, Physical Injury, Rape, Robbery, Theft at Carnapping ay nakapagtala ng 8.79% na pagbaba.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ang patuloy na pagbaba ng antas ng krimen sa bansa ay dahil narin sa pagsusumikap ng Pambansang Pulisya na mapanatili ang kapayapaan maging sa kooperasyon ng publiko.

Facebook Comments