Krimen sa bansa, patuloy sa pagbaba – PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng pagbaba sa Peace and Order Indicator (POI) sa bansa sa nakalipas na anim na buwan o mula Hulyo 2022 hanggang sa buwang kasalukuyan.

Ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang POI o pinagsamang bilang ng mga index at non-index crime cases ay bumaba ng 6.37% o mula 112,746 noong 2021 sa 105,568 nitong 2022.

Bumaba ang POI sa Luzon ng 7.35%, 12.29% sa Mindanao habang tumaas naman sa 5.65% ang POI sa Visayas.


Base pa datos ng PNP, bumaba rin ang naitalang index crimes sa bansa.

Sa nasabing panahon, ang theft, rape, at physical injury ang naitalang top 3 most prevalent crimes sa Pilipinas.

Samantala, nanatili namang mataas ang Crime Solution Efficiency sa 81.78% nitong nakalipas na 2022 kumpara sa 80.51% noong 2021.

Facebook Comments