Manila, Philippines – Bumaba ang Total Crime Volume (TCV) sa bansa, ito ay batay sa tala ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).
Sa datos, 7.18 o katumbas ng 28, 235 ang ibinaba ng krimen mula Enero hanggang Agosto 2017.
Mababa ito kung ikukumpara sa nakalipas na taon na umabot sa 393,150 krimen sa mga kaparehong buwan.
Sa datos pa ng PNP, bumaba rin sa 20, 675 o 21.38 percent ang index crime katulad ng carnapping, cattle rustling, murder, homicide, physical injury, homicide, theft, robbery, at rape mula Enero hanggang buwan ng Agosto taong kasalukuyan
Maging ang non-index crime katulad ng Illegal Drugs, Violation against Women and Children, Child Abuse, Traffic Code, Firearms, Illegal Gambling, Illegal Logging, Juvenile Act, at Illegal Fishing ay bumaba rin sa 7,560 o 2.55 percent.
Ang maigting na operasyon kontra iligal na droga ang sinasabing dahilan ng pagbaba ng krimen sa bansa.