
Bumaba ng 24% ang krimen sa Metro Manila sa simula ng buwan ng 2026.
Ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 32% ang ibinaba ng mga kaso ng murder, 10% sa physical injuries, at 4% sa kaso ng theft o pagnanakaw.
Habang nasa 67% naman ang pagbaba sa mga kaso ng rape, 89% sa carnapping ng motor vehicles, at 60% na pagbaba sa kaso ng carnapping ng motorsiklo.
Idiniin ng NCRPO na malaki ang ibinagsak ng violent at property-related crimes mula January 1 hanggang January 20 kumpara sa kaparehong period noong isang taon.
Samantala, umabot naman sa 518 ang anti-drug operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng halos 700 indibidwal at pagsamsam sa P94M illegal drugs.
Facebook Comments










