Krimen sa Metro Manila, tumaas ng 2% kasabay ng pagpapatupad ng GCQ

Tumaas ng dalawang porsyento ang crime incidents sa Metro Manila mula nang ibaba ito at iba pang kalapit probinsya sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson, Police Brigadier General Bernard Banac, bahagyang tumaas ang mga insidente ng murder o homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.

Sinabi ni Banac na posibleng tumaas pa ito kung ibababa sa Modified GCQ ang kamaynilaan.


Dahil dito, palalakasin ng PNP ang kanilang pagpapatrolya at pagresponde.

Umaapela rin ang Pambansang Pulisya sa publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad.

Facebook Comments