KRIMEN SA PANGASINAN, BUMABA NGAYONG TAON

Bumaba ang bilang ng mga naitatalang krimen sa lalawigan ng Pangasinan ngayong unang quarter ng taon.

Sa datos ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO), mula January 1 hanggang March 15, 2025, nakapagtala ng 95 kaso ng index crimes, na mas mababa kung ikukumpara sa 146 na naitalang kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Sa parehong panahon, bumaba rin ang non-index crimes kung saan 406 ang naitala ngayon, na mas mababa kung ikukumpara sa 551 noong nakaraang taon.

Ang mga index crimes ay kinabibilangan ng mga kaso ng Murder, Physical Injuries, Rape, Theft, Robbery, Carnapping, Arson, habang ang Non-index crimes ay mga kaso ng Paglabag sa Dangerous Drugs Act, Illegal Possession of Firearms, Estafa, Illegal Gambling, Cybercrime Offenses, Traffic Laws, Ordinances and Curfew.

Samantala, nanindigan ang hanay ng kapulisan sa Pangasinan na patuloy na palalakasin ang pwersa upang malabanan ang mga gawaing krimen at mapanatiling mapayapa ang lalawigan.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments