Krimen, tututukan ng PNP

Manila, Philippines – Walong krimen ang tututukan ng PNP ngayong wala na sila sa kampanya kontra droga.

Ayon Kay PNP spokesman CSupt. Dionardo Carlos, ito ay ang:

1. Murder
2. Homicide
3. Rape
4. Physical Injuries
5. Robbery
6. Theft
7. Vehicle Carnapping
8. Motorcycle-Riding Crimes


Partikular aniyang babantayan ng PNP ang mga riding-in-tandem crime kasunod ng babala ni PNP chief PDG Ronald bato delarosa sa mga riding-in-tandem criminals na susunod na ito sa kanilang “uupakan”.

Pinaiimbestigahan din ni delarosa ang koneksyon ng mga riding in tandem hitmen sa mga “ninja cops” na ginamit umano ang mga ito para isabotahe ang kampanya kontra droga ng PNP

Bukod sa street crimes, ay pagtutuunan din ng pansin ng PNP ang pag-arresto sa mga miyembro ng New People’s army, matapos ang sunod-sunod na pag-atake ng NPA sa mga pulis sa lalawigan.

Facebook Comments