Nagpapatuloy ang pagbaba ng mga krimen na naitatala ng Joint Task Force COVID Shield sa bansa.
Ito’y mula nang ipatupad ang community quarantine.
Ayon kay JTF COVID Shield Commander Police Lieutenant Gen. Guillermo Eleazar, mula March 17 hanggang August 25, 2020, nakapagtala ang bansa ng 13, 228 na krimen.
Mababa ito ng 48% kumpara sa nakalipas na anim na buwan mula Oktubre ng nakaraang taon hanggang March 16 kung saan wala pang ipinatutupad na lockdown.
Batay sa datos, lumalabas na kada araw, may 88 krimen na naitatala sa Pilipinas, malayo sa dating 169 na krimen sa isang araw.
Ang mga krimeng ito ay murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping ng mga sasakyan at motorsiklo.
Facebook Comments