Kris Aquino at Vice Ganda, magkaibigan pa ba?

Maaalalang matalik na magkaibigan sina Kris Aquino at ang ‘Unkabogable Star’ na si Vice Ganda. Ngunit kamakailan lang ay nagpahiwatig ito na mayroon silang alitan.

Isang netizen ang nagtanong sa Instagram post ni Kris kung papayag ba siyang makasama muli si Vice sa isang movie project. Hindi ito diretsong sinagot ni Kris. “Gugustuhin ba niya akong makatrabaho?”

Noong 2012 Metro Manila Film Festival ay nakasama ni Kris sina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda sa entry nilang Sisterakas.Iyon ang una at huli nilang pagsasama sa pelikula.

Nagkataon din na sabay nagbakasyon ang dalawa sa Thailand kaya naitanong din ng isa pang netizen kung nagkita ba sila. Hindi ang naging sagot ni Kris at nang tanungin siya kung magkaibigan pa ba sila ni Vice, “I hope so” na lamang ang naisagot nito.
Facebook Comments