Kris Aquino, bumili ng Chanel bag matapos malagpasan ang lindol sa Japan

Image via Facebook / Kris Aquino

“Let’s enjoy, because we are alive!”

Tila matindi ang kabang dinulot ng lindol na naranasan ni Kris Aquino habang nagbabakasyon kasama ang dalawa niyang anak sa Japan, Agosto 5.

Napa-Chanel shopping kasi ang Queen of All Media matapos ang lindol.


Sa isang vlog ni Kris sa YouTube isang araw makalipas ang lindol, ikinuwento ng host-actress na nasa “6.2 o 6.8” ang magnitude ng lindol.

Habang magnitude 5 naman ang naramdaman sa lugar na kinaroroonan nila ng mga anak na si Josh at Bimby.

Bilang pampawala ng stress, niregaluhan niya ang sarili ng isang Chanel bag, na ipinakita niya rin sa isang video na in-upload niya sa Facebook, Agosto 7.

“Pinaalala niyo po sa akin na lumindol, and because lumindol, kailangan mag-Chanel ’cause I’m alive.

“That’s where I’m going right now, in the exact Chanel kung saan ako nagkuwento because of the lindol, ’cause I was alive then.

“So I’m going there now because I deserve earrings and nako, sa hilong inabot ko naman, let’s make it a bag.”

Hindi pinayagang mag-video sa loob ng Chanel, pero makikita ang paglabas ni Kris dala-dala ang malaking shopping bag na sa dulo ng video ay ipinakita niya ang laman.

“This is my gift to myself because I’m alive and because wala namang magbibigay sa akin, so ako na lang,” sabi ni Kris.

Nagkakahalagang $7,800 o higit P400,000 ang bag na binili ni Kris na tinatawag na “Side Packs”.

Kabilang ang bag sa Spring/Summer 2019 Collection ng Chanel.

Facebook Comments