Kris Aquino, ibinahagi sa netizens ang kasalukuyang kondisyon

7637
Image via Kris Aquino on Instagram

Nag-react ang mga netizen sa post ni Kris Aquino sa Instagram ng kaniyang selfie na walang make-up at filter.

Aniya, allergic na siya sa kahit anong pain relievers at patuloy pa rin siyang nagkakaroon ng hives o mga hindi kagustuhang pantal.


Dagdag ni Kris, nagkakaroon din siya migraine attack at hindi na ito kinaya ng kaniyang essential oils. Humingi rin siya ng payo mula sa mga netizen.

Ani ng isang netizen, sobrang payat na nito hindi na bagay. Pinaalahanan din siyang mag-relax at mag-enjoy lamang kasama ng kaniyang dalawang anak.

Ayon kay Thirdy Veloso, “Ms. Kris, just avoid the things that stress you out. Relax your mind. Maybe you could go somewhere where you could relax and chill. Yun lang po.”

Sinagot naman ni Kris na sa Hulyo 30 ay aalis sila kapag natapos na ni Bimb, anak ni Kris kay James Yap, ang kaniyang school.

Una nang sinabi ni Kris noon na mayroon siyang chronic spontaneous urticaria, isang autoimmune disease.

Sa kasalukuyan ay mayroon itong 62,000 likes at 8,000 comments.

Facebook Comments

From Advertisers