Kris Aquino, ibinunyag ang ‘current status’ nila ni Herbert Bautista

618
Instagram/ Kris Aquino

Ibinahagi ni Kris Aquino na nagkaroon siya ng tampo kay Herbert Bautista dahil sa pagtanggi nito na magkaroon ng special participation sa pelikulang “Ampon”, opisyal na entry sa Metro Manila Film Festival sa Disyembre.

Sa kaniyang Instagram post, isinalayasay ni Kris ang naging ugat ng ‘tampuhang’ ito.


Ayon kay Kris, inakala niya papayag ang ‘ex’ na tanggapin ang role dahil sa samahan nilang dalawa bilang magkaibigan.

“In my mind, friends na kami pero totoo naman, sa isip nyo sya ang huli nyong alam na naging “boyfriend” ko. Hindi naman kayo witness sa naging magandang closure namin at hindi nyo alam na we openly share how proud we are about our respective children’s achievements,” ani Kris.

Ngunit nang ibigay na ni Kris ang script kay Herbert ay nagbago ang ihip ng hangin dahil sa negative comments ukol sa kaniya.

Inamin din ng aktres naging insensitibo siya sa kaniyang naging aksyon kung saan may love scene sa script sa mga karakter na ‘Gabby’ na gagampanan ni Herbert at ‘Grace’ [Kris] kaya’t tumanggi ito.

View this post on Instagram

Just the facts: 1. Derek Ramsay has a GMA NETWORK contract. Mahaba ang partnership nila ng QUANTUM FILMS, in fact for Atty Joji he’s like a son. This led to arguments between Atty Joji & myself because I felt like the “AMPON” since many adjustments were being made for @ramsayderek07. Derek and I have spoken. We go way back, 2004-2005 when we did our San Miguel Beer TVC. Nagkasagutan pero dahil may pinagsamahan- nagkaunawaan. I respect that he has a GMA network contract that should be his top priority. CHILL kami. 2. We owe @popoycaritativo and @concepciongabby BIG TIME. MMFF rules state change of lead stars should be of equal status. Had Gabby said NO, wala nang movie, goodbye sa MMFF bond, sa preprod cost, sa mga downpayment etc. From my whole heart THANK YOU. ❤️ 3. I am managed by @cornerstone sister company of @springfilms. We are co-investors in this movie. Kaya po financially, intellectually, and emotionally invested. 4. Nagkamali ako. I was asked to communicate with Herbert Bautista for a SPECIAL PARTICIPATION role. Siempre while studying the script and the role, nakita nya may negative comments na about him in my feed. 2nd insensitive ako, i sent a script containing a love scene between man & wife, Clark (Gabby) and Grace (Kris). In my mind, friends na kami pero totoo naman, sa isip nyo sya ang huli nyong alam na naging “boyfriend” ko. Hindi naman kayo witness sa naging magandang CLOSURE namin at hindi nyo alam na we openly share how proud we are about our respective children’s achievements. Kung alam ninyo yun, no issue. But we chose to protect the friendship by keeping details private. Kaya nung nag NO sya because he didn’t want to be part of the “gulo”, una na hurt at nagalit ako. Pero after praying, i understood. Nilagay ko ang sarili ko in his place. Kaya alam ko, i was asking for much. We’re not okay now, but hopefully in time we can be friends again. 😇 5. Now you know why yung post kagabi ganun ako kapayat. Since Sunday inaayos lahat ng issues. Hindi ako bumitaw kasi MAGANDA yung script. My personal hurts i separated because i love my role, i am excited about the story & working with a new team… and bawal sumuko. #mytruth #krisfeels

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino) on

 

 

“Nung nag-no siya because he didn’t want to be part of the ‘gulo,’ una na hurt at nagalit ako,” pahayag ni Kris.

Sa huli, ay nilinaw naman ng aktres na hindi siya nawawalan ng pag-asa na mababalik sa dati nilang pagkakaibigan.

“After praying, I understood. Nilagay ko ang sarili ko in his place. Kaya alam ko, I was asking for too much,” aniya.

“We’re not okay now, but hopefully in time we can be friends again,” dagdag niya.

Unang nabuo ang ‘KrisTek’ noong 2014 kung saan ibinahagi ni Kris sa publiko na ‘dating’ sila ng former mayor ng Quezon City. Kinalaunan ay ipinahayag niya ring ‘friends’ na lamang sila.

 

Facebook Comments

From Advertisers