Kris Aquino, inanunsyo ang kanyang preventive isolation sa loob ng anim na buwan

Inanunsyo ng host-actress na si Kris Aquino ang kanyang preventive isolation sa loob ng anim na buwan para sa kanyang kalusugan.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres na sadya ang hindi pag-post sa kanyang kalagayan dahil sa pagtaas ng autoimmune diseases at paggawa ng matapang na desisyon kaugnay sa kanyang health condition.

Inihayag din ni Kris na nakatira siya sa isang private beach na pag-aari ng isang pamilya na nais bumuti ang kanyang kalagayan.

Samantala, ipinaliwanag din ni Kris na hindi masyadong nakikita sa kanyang post ang kanyang panganay na si Josh dahil na-traumatized ito kapag nakikita ang IV drop na nakakabit sa kanya.

Pinasalamatan din ni Kris ang kanyang bunsong anak na si Bimby sa pag-aalaga at suporta nito sa kanya.

Facebook Comments