Kris Aquino, inimbitahan si Pulong na mag-kape o mag-beer

Inimbitahan ni Kris Aquino si Dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na mag-kape o mag-beer para makapag-usap ng personal. Kasunod ito ng pagbatikos ni Pulong sa anibersayo ng EDSA People Power Revolution kung saan isang quote card ang kanyang ibinahagi. Sa caption ng presidential son sa ipinost noong February 20, sinabi nitong huwag na raw magdrama si Kris at maglaro nalang ng PS4. Sumagot naman si Kris via Instagram noong February 26. Dito niyaya ni Kris si Pulong para magkape o umiinom ng beer para mas makilala raw siya nito ng personal. Dagdag pa niya na hindi naman sasama ang loob niya kung tanggihan niya ang kaniyang alok.


Facebook Comments