Kris Aquino, magpapahinga raw muna sa social media

Magpapahinga raw muna sa social media si Kris Aquino.

Say ni Kris, nakakaranas na siya ng depresyon dahil sa kaniyang complicated medical diagnosis.

Magbe-break raw muna siya sa Instagram dahil tapos niya ang pagpapanggap niyang okay siya.


Kasabay nito, nagpasalamat naman si Kris sa mga patuloy na sumusuporta sa kanya habang welcome naman ang mensahe niya sa kaniyang mga basher na nagpapasalamat sa kaniyang break sa social media.

Una nang inamin noong Enero ni Kris na mayroon itong lupus.

Nauna na rin niyang sinabi na mayroon siyang chronic spontaneous urticaria, pero hindi siya naglabas ng iba pang detalye batay na rin sa payo ng kanyang mga abogado na huwag sabihin ang totoong sakit dahil baka gagamitin daw ito ng mga taong nais lang siyang pabagsakin.

Facebook Comments