Kris Aquino, may opinyon sa gown ni Imee Marcos sa SONA 2019

Ipinahayag ni Kris Aquino ang kaniyang opinyon sa gown ni Senator Imee Marcos sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang ipinaliwanag ni Imee ang kahulugan ng kaniyang kasuotan na yellow-red ombré na gawa ni Mak Tumang, gown designer ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Ayon kay Imee, ang kaniyang “La Filigrina”ay sumasagisag ng katapangan at nagbibigay pag-asa para sa bansa.


Paliwanag din ni Imee, gusto niyang tapusin ang bangayan ng mga tao sa pulitika tungkol sa dilawan o kulay na nirerepresenta ng Liberal Party, kilalang oposisyon, at pamilyang Marcos na pula.

Nang tanungin ng isang netizen si Kris kung anong masasabi niya rito, sinabi niyang kung ang ibig sabihin ng dilaw ay pagtanggap sa mali ng nakaraan ay pwede naman niyang i-meet ang Marcoses “half-way.”

“If it’s a sincere gesture to reach out, acknowledge past and shoe remorse– I shall meet them half-way. We can move forward but we can do that only by acknowledging the past,” ani Kris.

“Senator Imee has never heard from me abut my childhood and I have never heard about her history as well. We should be open to a conversation to understand our lives. Fair enough?” dagdag niya.

Si Kris Aquino ay anak ng yumaong si Senador Ninoy Aquino na pangunahing kritiko ng dating pangulo Ferdinand Marcos noong martial law.

Facebook Comments