Kris Aquino, may sweet birthday message sa kaniyang “special someone!”

Kinumpirma ni Queen-of-All-Media Kris Aquino na may “special someone” siya ngayon na nagpapasaya ng kaniyang buhay.

Sa kaniyang social media, binati ni Kris ang mystery man na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Sa kaniyang post, nagpasalamat si Kris sa pagdating nito sa kanyang buhay at sinabing deserve niya ang birthday greeting sa kabila ng mga spekulasyon na makukuha sa publiko.


Bagama’t hindi pinangalan, dumating raw ang mystery man ni Kris sa mga panahong nagluluksa siya at may problema.

Dagdag ni Kris, pasado rin ang mystery man na ito kay Bimby!

Dahil dito, maraming netizens ang humula na si Willie Revillame o kaya ay si Mark Leviste ang mystery man ni Kris.

Facebook Comments