Kris Aquino, nag-post ng video para sa kanyang Kuya Noy

Ibinahagi ni Kris Aquino ang isang video tribute para sa kanyang namayapang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino, na pumanaw noong June 24.

Noong Sabado, inihatid na sa huling hantungan ang dating pangulo sa Manila Memorial Park.

Ang video ay may habang 4 minutes and 16 seconds, at naglalaman ito ng ilang kaganapan sa buro ng dating pangulo, ilang personal photos ni Kris kasama ang kanyang Kuya Noy at mga anak na kilalang malapit sa kanilang tiyuhin.


Tampok din sa video ang bersyon ng “Paubaya” ni Moira dela Torre, na binago ang lyrics para kay dating Pangulong Aquino.

Sa caption sa video, sinabi ni Kris na mahal na mahal nila ang kanilang kapatid at sobra silang blessed na nagkaroon sila ng pagkakataon na makasama siya bilang kanilang kuya.

Kahapon, binisita ni Pinky Aquino-Abellada ang puntod ng kanilang kapatid habang maraming tao pa rin ang dumadalaw para magbigay ng kanilang respeto sa dating pangulo.

Facebook Comments