Kris Aquino, nagbigay pa ng karagdagang impormasyon tungkol sa kaniyang karamdaman

Ibinahagi ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa social media ang karagdagang impormasyon tungkol sa kaniyang karamdaman.

Mababatid na nag-upload ng video sa kaniyang Instagram account si Kris habang kinukunman siya ng swab samples kung saan kalakip nito ang paliwanag ng kaniyang doktor na si Dri Niño Gavino.

Dito ay nakasaad na ang sakit ni Kris ay Eosinophilic Granulomatosis with Polyangitis o EGPA na dating kilala bilang Churg-Strauss Syndrome.


Ito ang pumigil sa kaniyang makabiyahe noon bunsod ng idinudulot nitong asthma, pagbagsak ng timbang, pananakit ng tiyan at pabago-bagong blood pressure.

Sinabi rin sa post na kung walang gamutan ay nasa 25% lamang ang life expectancy ng taong may EGPA habang ang may maayos na treatment ay may 5-year survival rate at nasa 62%.

Sa kabila ng iniinda ni Kris ay isang #LoveLoveLove pa rin ang kaniyang ending caption sa kaniyang post.

Facebook Comments