Ipinahayag ni Kris Aquino ang pagpapasalamat kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkilala nito na si Ferdinand Marcos ang nasa likod ng pagpaslang sa kaniyang ama na si Benigno “Ninoy” Aquino Jr.
“Thank you for acknowledging our family’s loss, and who was behind it. Salamat, Mr. President,” ani Kris.
Sa talumpati sa Davao City nitong Biyernes, pinahayag ni Duterte na naging popular lamang si Cory dahil namatay ang asawa nito sa kamay ng dating diktador.
i still admire your authenticity President Duterte, but please allow a daughter to speak through this post? Kasi po sa maraming magandang narinig ko mula mismo sa mga Duterte supporters & members of government patungkol po sa inyo, lahat sila sinasabi, pic.twitter.com/sGeRIfvv9k
— Kris Aquino (@krisaquino214) August 3, 2019
Ang asasinasyon ni Ninoy ang naghudyat ng EDSA Revolution nitong 1986 na nakapagpatalsik kay Marcos at pagtatapos ng martial law sa bansa.
Thank you for acknowledging our family’s loss, and who was behind it. Salamat, Mr. President. 🇵🇭
— Kris Aquino (@krisaquino214) August 3, 2019
Sinabi ni Kris na hinahangaan niya ang pagiging ‘authentic’ ng Pangulo kasabay ng pagbahagi ng isang tribute video ni Cory sa Twitter na may “Tie a Yellow Ribbon” background music.
Kilala si Duterte na malapit sa mga Marcos dahil sa pagbigay ng pahintulot nito na ilibing ang labi ng dating diktador sa Libingan ng mga Bayani noong 2016.
Nitong SONA 2019, pinahayag naman ni Kris na posible ring i-meet niya halfway ang mga Marcos sakaling tanggapin nila ang mali ng nakaraan.