Kris Aquino, nilinaw na wala silang alitan ni Vice Ganda

27

Naging usap-usapan noong mga nakaraang araw ang isyu sa pagkakaibigan nila Vice Ganda at Kris Aquino. Umusbong ang usaping ito nang may magtanong na netizen sa kanyang question-and-answer session noong July 2 kung magkaibigan pa ba sila.
Ang mga sagot niya ay nagpapahiwatig na hindi maayos ang pagkakaibigan nila ni Vice tulad ng “Gugustuhin ba niya akong makatrabaho?” nang tanungin kung papayag siyang magkasama silang muli sa pelikula.
Nitong Miyerkules ay nagkaroon muli si Kris ng question-and-answer session at nilinaw niyang wala silang isyu ni Vice. “Friends do grow apart but there will always be a special bond.”
Noong magkasama pa sa iisang network ang dalawa ay makikita ang pagiging malapit nila sa isa’t isa. Kasabay ng paglipat ng network ni Kris ay unti-unting lumabo ang pagkakaibigan nila.
Nang tanungin si Kris kung sino ang pipiliin niya kina Vice at Boy Abunda ay naging safe ang ang sagot niya. “They are both proudly LGBT so y make me choose? You only choose between potential boyfriends not FRIENDS.”
Itinanong din sa kaniya kung sino kina Vice at Ai-Ai delas Alas ang pipiliin niyang makatrabaho at sinabi niyang, “I don’t think they’ll choose to share the screen with me”. Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nila Ai-Ai at Kris nang hindi nakapunta si Kris sa lamay ng ina ni Ai-Ai noong 2013.

Facebook Comments