Kris Aquino, sumagot na sa basher na tumawag sa kaniyang pangit kapag walang make-up

1869

Sumagot na ang ‘Queen of All Media’ at aktres na si Kris Aquino sa basher nitong sinabihan siyang ‘pangit’ kapag walang make-up.

Ang komento ay nasa official Facebook page ni Kris kung saan patutsada ng basher ay nag-iiba ang itsura ng aktres kapag wala itong suot na kolorete.


Imbes naman na awayin ay binalewala lamang ito ni Kris at sinabing ‘Ang kagandahan ng isang tao ay nasa panloob at hindi makikita sa panlabas na anyo’.

Pinasalamatan naman ni Kris ang mga netizens na patuloy na sumusuporta sa kanilang pamilya sa kabila ng kontrobersiyang kanilang nararanasan.

Matatandaang una nang na-bash ang anak ni Kris na si Bimby dahil sa kinikilos nito sa social media.

Facebook Comments