Kris Aquino, Sumuporta Sa Pangangampanya Ng Liberal Party

8

MANILA – Sumalang na ang Presidential Sister at Queen of Talk na si Kris Aquino sa paghakot ng boto para sa mga kandidato ng Liberal Party (LP).Dahil dito, pinasalamatan ni LP Presidential Bet Mar Roxas si Kris sa pagsama at pagsuporta sa kampanya ng kanyang katambal na si Leni Robredo.Aniya, malaking bagay ito para maipagpatuloy ang nasimulan ni Pangulong Noynoy Aquino na kapatid ni Kris Aquino.Pinasalamatan naman ni Roxas si Kris sa suporta at patuloy na paniniwala sa prinsipyo ng Daang Matuwid ng gobyerno.Ilan sa malalaking pangalan na madalas din sumama sa pangangampanya ay ang magka-love team na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, Diamond Star Maricel Soriano at Star for All Seasons Gov. Vilma Santos.

Facebook Comments